Motion para manatili sa camp Crame, inihain ng 4 kapwa-akusado ni Ps. Quiboloy
Motion  para manatili sa camp Crame, inihain ng  4 kapwa-akusado ni Ps. Quiboloy
Naghain ng motion for reconsideration sa Pasig Regional Trial Court ang kampo ni Pastor Apollo Quiboloy para manatili sa Camp Crame ang apat na kapwa-akusado nito.

Ito ay sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes. 

Ito ay  matapos ipag-utos ng korte ang paglipat sa apat sa Pasig city jail mula sa PNP custodial facility. 

Sa ambush interview sa Camp Crame, sinabi ni Attorney Mark Tolentino, isa sa mga legal counsels sa Pastor, na labis na malulungkot si Quiboloy kung mag-isa nalang ito sa Custodial Center. 

Sa desisyon ng korte Setyembre 13, pinayagan na manatili si Quiboloy sa PNP custodial facility hanggat hindi pa ito na eeksamin ng mga government doctors dahil umano sa kanyang existing medical condition na basehan ng kahilingan nito sa Korte na i-hospital arrest nalang siya. 

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, tatalima ang PNP sa utos ng Korte.

What's your reaction?

Facebook Conversations