
views
Sa kanilang Official Statement matapos ang isang Consultative Assembly, iginiit ng MILF Central Committee na labag ang naturang appointment sa Bangsamoro Organic Law (BOL) at Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), na parehong nagtatakda na dapat ay MILF-led ang transition period. Binanggit din nila na sa 41 pangalan na kanilang inendorso para sa BTA, 35 lamang ang itinalaga ni Marcos Jr., na lalong nagpapalalim ng pangamba sa tunay na intensyon ng gobyerno.
Bukod dito, itinuturo rin na malaki ang posibilidad na totoo ang agam-agam na bahagi ito ng isang mas malawak na plano ng Marcos Adminustration upang tiyakin ang kontrol sa Local Government Support Fund (LGSF) 2025—na umano’y gagamitin bilang pondo para sa senatorial lineup ni PBBM.
Lalo pang tumindi ang kontrobersiya matapos lumabas kahapon ang isang pahayag mula sa BIAF-MILF na tila sumusuporta sa pagtatalaga kay Macacua. Agad namang binigyang-diin ng MILF Central Committee na ito ay hindi opisyal na posisyon ng organisasyon, at nananatili silang tutol sa naturang hakbang.
Sa kabila nito, nanindigan ang MILF Central Committee sa kanilang panawagan para sa pagsunod sa kasunduang pangkapayapaan at muling pinagtibay ang pamumuno ni Al Haj Murad Ebrahim bilang Chairman ng MILF at Chief ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF).
Matatandaan na isang araw bago ang pagkaka aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, nanumpa si Macacua sa harap ng pangulo sa Malacanan Palace.




Facebook Conversations