
views
grassroots peacebuilding ang naabot sa opisyal na pagkakatatag ng Buklod Kapayapaan, ang kauna-unahang pambansang pederasyon ng mga samahan ng
former rebels (FR), na ginanap sa 2nd National Peace Advocates Summit at First Former Rebels Organization National Congress sa Luxent Hotel, Quezon City, mula 26
hanggang 28 ng Abril, 2025.
Ang tatlong araw na pagtitipon ay dinaluhan ng 47 na mga lider ng 7 na rehiyonal na pederasyon ng former rebels.
Bunga ito ng mga inisyatibang sinimulan matapos ang First National Peace Advocates Summit noong Setyembre 2024, kung saan naitatag ang national coordinating body at sinundan ng pagtatag ng mga rehiyonal na pederasyon.
Layunin ng Buklod Kapayapaan na maging kolektibong pambansang tinig ng mga dating kasapi at lider ng Communist Party of the Philippines – New People's Army –National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP) na ngayon ay nagsisikap na muling maging bahagi ng lipunan at aktibong makilahok sa mga adhikaing pangkapayapaan at pangkaunlaran ng pamahalaan.
Hangad nitong bigyang-lakas at pagkaisahin ang mga independyente at nagsasariling mga organisasyon ng FRs sa ilalim ng iisang paninindigan para sa kapayapaan, katarungang panlipunan, pangangalaga sa kalikasan, at karapatang pantao.
"Hindi lamang ito simpleng pagtatatag ng bagong organisasyon," ani National President Noel Legaspi. "Ito ay pagsilang ng isang pinagbuklod at pinalakas na kilusan ng mga tagapagtanggol ng kapayapaan, mula mismo sa mga komunidad na dati naming iniwan, at ngayon ay aming piniling pangalagaan at paunlarin."
Tampok ng summit ang halalan ng mga pambansang opisyal, pagpapatibay ng 3-Taong Strategic Program, at ratipikasyon ng deklarasyon ng mga prinsipyo ng pederasyon.
Ang 3-Taong Strategic Program ang magsisilbing balangkas para sa pagtatayo ng mga pederasyon hanggang antas-barangay, habang pinalalawak ang partisipasyon sa mga proseso ng kapayapaan at demokrasya.
Prayoridad nito ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga kasapi, economic self-sufficiency, edukasyon, at kagalingan ng mga miyembro sa pamamagitan ng pambansang pagsusuri, pagsasanay, at edukasyong pangkapayapaan.
Magsasagawa rin ito ng mga kampanya para sa pagbibigay ng suportang legal sa former rebels upang mapabilis ang pagresolba ng kanilang mga kaso, habang sinusuportahan ang programa ng amnestiya ng pamahalaan.
"Ang pederasyong ito ay magiging pwersa ng positibong pagbabago," dagdag pa ni Legaspi. "Ang hamon natin ngayon ay pag-isahin ang maraming lokal na inisyatiba upang malikha ang pambansang tinig—isang tinig na may malinaw na mensahe, may kakayahang kumilos, at sumasalamin sa pag-asa ng libu-libong pinili ang pagtahak ng landas ng kapayapaan."
Bilang kauna-unahan sa uri nito, hinaharap ng Buklod Kapayapaan ang mga hamon ng pagbubuo ng organisasyon, pagkamit ng sustenableng pondo, at institutional recognition. ang pag-usbong nito ay mahalagang hakbang sa pambansang proseso ng kapayapaan—isang plataporma para sa natranspormang buhay, na ngayon ay aktibong nakikibahagi sa paghubog ng isang makatarungan at inklusibong kinabukasan.

Facebook Conversations