views
Pinangunhan ng City Health Office ang naturang pagbabakuna kung target nitong mabigyan ang 500 na mga bata sa kanilang unang araw.
May pa mascot naman ang nasabing mall para matuwa ang mga bata na nasa vaccination center.
Namigay din ito ng mga candy, chocolate at lobo sa mga bata bilang regalo sa kanilang pagpapabakuna.
Bukas ang bakunahan mula Lunes hanggang Biyernes maliban lang sa holiday mula alas 8 ng umaga hanggang alas 2 ng hapon.
Una ng siniguro ni City COVID-19 Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser na ligtas ang bakuna para sa mga nasabing edad laban sa matinding epekto nito.
Ayon kay Schlosser na dumaan ito sa mabusising pag-aaral bago ito inaprubahan ng mga awtoridad sa larangan ng medikal at siyensya.
Kaya patuloy na hinikayat nito ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak upang mabigyan ito ng dagdag proteksyon kontra COVID-19.
Facebook Conversations