ESCUDERO, PINALITAN BILANG PANGULO NG SENADO
ESCUDERO, PINALITAN BILANG PANGULO NG SENADO
May bago ng Pangulo ang Senado sa katauhan ni Senator Vicente Sotto matapos pinalitan si Senator Chiz Escudero ngayong Lunes ng hapon, Setyembre 8, 2025.

Si Senator Migz Zubiri, ang nag-nominate kay Sotto bilang Senate President na kung saan wala namang komontra sa kanyang nominasyon.

Maliban kay Sotto, pinalitan din bilang Senate pro tempore si Senador Jinggoy Estrada ni Senador Panfilo Lacson.

Nahirang naman na majority floor leader si Senador Juan Miguel Zubiri na pumalit kay Senador Joel Villanueva.

Inaasahan din na magkakaroon  ng pagbabago sa mga committee chairmanships.

Ang pagpapalit ng bagong liderato ng Senado ay sa gitna ng mga isyung kurapsyon sa gobyerno partikular na ang flood control projects na kasalukuyang Iniimbestigahan ng Kongreso at Senado 

What's your reaction?

Facebook Conversations