
views
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang pagdalo kagabi ( Mayo 6, 2022) sa Miting de Avance ng lokal na partido sa Davao City na Hugpong sa Tawong Lungsod at Hugpong ng Pagbabago na pinamumunuan ngayon ni Vice Mayor Sebastian Duterte.
Ayon kay Pangulong Duterte ibibigay na niya sa mga botante kung sino ang sa tingin nila ang karapat-dapat na papalit sa kanya ngayong papaalis na siya sa pwesto.
Nanawagan din ang Pangulo sa susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang giyera laban sa illegal na droga dahil sa tindi ng epekto nito sa bawat pamilyang Pilipino.
Samantala, nagpasalamat naman ang Pangulong sa lahat ng Dabawenyo na tumulong at sumuporta sa kanya para maabot ang pinakamataas na posisyon sa bansa.
Ayon sa Pangulo na sa natitirang araw nito sa kanyang pwesto ay magpapatuloy pa rin siya sa kanyang trabaho hanggang sa pagbaba nito sa Hunyo 30.
Sinabi ng Pangulo na hindi niya maabot ang nasabing posisyon kung hindi sa tiwala at suporta na ibinigay ng mga tao sa Davao City mula sa kanyang pagka-alkalde.
Nagpasalamat din siya sa suporta na ibinibigay ng mga tao sa kanyang nga anak na ngayon ay tumatakbo sa kani-kanilang posisyon.
Paliwanag ni Duterte na hindi naman ito matatawag na Political Dynasty dahil ang mga tao pa rin naman ang magdedesisyon sa pamamagitan ng pagboto.
Dagdag ng Pangulo na kung gusto pa ng mga tao ang serbisyo ng mga Duterte nasa kanila kung iboboto pa nila ito o hindi.

Facebook Conversations