views
Ito ang inihayag ni Davao City Police Office (DCPO) Director Col. Kirby John Kraft sa ipinadala nitong mensahe.
Ayon kay Kraft plantsado na ang lahat ng protocol na kanilang ipapatupad sa loob ng Shrine para sa mga dadagsang deboto.
Sinabi ng opisyal na kagaya pa rin ng dati nitong napagplanuhan na limitado lang ang mga tao na makakapasok sa loob tuwing panahon ng pagdaraos ng misa upang masiguro ang physical distancing.
Ipagbabawal din ang pagdadala ng sasakyan pa akayat sa Shrine at ipapatigil ang pagpapasok ng tao kapag nagsimula na ang misa.
Last minute noong nakaraang taon, nagdesisyon si Mayor Sara Duterte na ipinagpaliban ang pagdaraos ng kapistahan dahil sa pangamba na maging super spreader event ang nasabing okasyon.
Taun-taon, dinadagsa ng libo-libong deboto ang nasabing patron tuwing araw ng kapistahan nito.
File Photo 2021
Facebook Conversations