views
Sa isang press conference, sinabi ni 1001st Brigade Commander Brig. Gen. Jesus Durante na halatang propaganda lang ang nilabas ng tagapagsalita ng CPP na si Marco Valbuena.
Ayon kay Durante wala ng naniniwala ngayon sa pahayag ng CPP lalo na kung ang basehan lang ng pahayag nito ay ang local NPA group lang sa lugar ng pinangyarihan.
Pahayag ng opisyal na gusto lang nitong sabihin na basta lang pinatay ang mga kasapi ng NPA lalo na ang dalawang mga nakilalang volunteer teachers ng lumad schools na sina Chad Booc at Jojarain Nguho dahil umano'y hindi ito armado.
Paglalahad ni Durante na habang napatay sa engkwentro ang dalawa, mas inuna pa ng mga kasamahan nitong NPA na isalba ang armas kaysa sa mga kasapi nito. Kagaya lang umano ito ng mga nakaraang operasyon nito sa nakaraan taon.
Dagdag ng pinuno ng nasabing brigada na mas paiigtingin nila ang kanilang mga focus military operation dahil seryoso sila na ubusin na ang mga armadong NPA.
Facebook Conversations