views
5 SK Chairpersons sa Davao City inireklamo ng katiwalian sa Konseho
Limang Sangguniang Kabataan chairpersons sa Davao City nahaharap sa reklamo dahil sa alegasyong di tamang paggamit sa pondo ng Sangguniang Kabataan (SK).
Sa ginanap na Pulong-Pulong sa Dabawenyos, sinabi ni Second District Councilor Arnulfo Cabling, chairman ng Committee on Ethics and Good Governance ng 21st Davao City Council na kasalukuyang nasa kanyang komite ang nasabing reklamo laban sa mga SK chairpersons na pawang nasa 3rd District ng Davao City.
Kinumpirma din nito na ang isang inireklamong SK chairman ay nag-resign na sa pwesto, subalit ayon kay Cabling, di pa rin ito ligtas sa kanyang obligasyon.
Samantala nang tanungin si Cabling kung papayag ba ito na i-abolish ang SK dahil sa alegasyong katiwalian di lamang sa Davao City pati sa ibang lugar, sinabi nito na di naman siya labor na ma-abolish ito dahil unang-una iilan lamang ang mga SK officials na sabit sa kurapsyon. Mas marami pa rin daw ang matitinong kabataan na nagtatrabaho para sa kapakanan ng mga kabataan.
Para kay Cabling, maaari naman daw magkaroon ng 'measures' para maiwasan na masangkot sa 'misuse of funds' ang mga SK officials.
Matatandaang sinibak sa puwesto ang dalawang SK chairman sa Makati City dahil umano sa katiwalian.
Para kay Interior Secretary Jonvic Remulla, nais sana niyang baguhin ang istruktura ng Sangguniang Kabataan, ngunit ito umano ay usaping konstitusyonal at wala na sa kanyang kapangyarihan.
Kung sakaling magkakaroon umano ng constitutional change, kanya umanong irerekomenda ang lagbuwag nang SK dahil nagiging kultura umano ang pagkatuto ng korapsyon sa murang edad.
Councilor Arnulfo Cabling
Facebook Conversations