views
Tatlo sa apat na bangkay ay nakita ng Salazar Fishing Fleet na pagmamay-ari ng isang miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary habang ang isa naman ay nakita ng fixed-wing aircraft Islander 251 ng Coast Guard sa bahagi ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental ngayong Sabado ng umaga, Enero 24, 2026.
Ayon kay Lieutenant Junior Grade Melanie Benitez ng Coast Guard District Southeastern Mindanao na sa ngayon ay on-board na ng PS 37 BRP ARTEMIO RICARTE Philippine Navy ang nasabing mga bangkay.
Wala pang ibinigay na identity ang Coast Guard sa apat na bangkay.
Ang nasabing banca ay umalis mula sa Sta. Ana Wharf, Davao City noong Enero 17, 2026 ng hapon papuntang Governor Generoso, Davao Oriental.
Sa 16 na pasahero ng banca, isa ang na-rescue ng Coast Guard noong Enero 19 na crew ng nasabing banca.
Facebook Conversations