27,206 barangays sa Pilipinas, drug-free: PNP
27,206 barangays sa Pilipinas, drug-free: PNP
Kumpiyansa ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magwawagi ang pamahalaan sa away kontra ilegal na droga.

Sa isang pahayag ni PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Red Maranan, umabot sa 27,206 barangay ang nalinis ng kapulisan mula sa ilegal na droga mula July 2022 hanggang April 2023. 

Ayon kay Maranan, mayroon na lamang 8,332 ang natitirang drug-affected barangay mula sa kabuuang 42,027 barangay sa buong bansa. 

Sa loob ng 9 na buwan ng panunungkulan ni Pangulong Marcos, nakapagsagawa ang PNP ng 32,225 anti-illegal drugs operations kung saan narekober ang P21.72 billion halaga ng droga. 

Sa naturang operasyon, naaresto ng kapulisan ang 44,866 drug personalities, kung saan 3,169 ang itinuturing na high-value indivudlas. 

Positibo si Maranan na nagtagumpay ang PNP na mabali ang “backbone” ng drug network sa bansa.

What's your reaction?

Facebook Conversations