views
a report ng Police Regional Office 12, kinilala ang mga sugatan na sina Benjamin Solaiman limang taong gulang; Masid Benjamin, 25; Yushra Solaiman tatlong taong gulang ; Haron Solaiman Jr. limNg buwang gulang; Haron Solaiman Sr. 24 at Rodolfo R. Castillo, 67.
Bandang alas 8:15 ng umaga ng Enero 11, sumabog ang bus Purok Narra, Barangay San Mateo ng nasabing bayan.
Agad naman itinakbo sa Aleosan District Hospital habang iniimbestigahan na ng Aleosan Municipal Police Station ang sanhi ng pagsabog at posibleng nasa likod ng insidente.
Kinundena naman ni PRO 12 Regional Director Brig. Gen. Alexander Tagum ang pagpapasabog at kinumpirma nito na isa itong terror attack.
Sa inilabas nitong pahayag, sinabi ni Tagum na duwag na pamamaraan ng pag atake ang mga taong nagsagawa nito kung saan pati mga inosenteng mga sibilyan ay nadamay sa kanilang kagagawan.
Umaasa naman si Tagum sa agarang paggaling ng mga biktima na kasalukuyang nasa Aleosan District.
Siniguro naman ng opisyal na maibibigay ang hustisya sa mga biktima at huhulihin ang mga nasa likod ng pagpapasabog.
Photos from Police Regional Office 12
Facebook Conversations