697
views
views
DAVAO CITY – Magpapatupad umano ulit ng granular lockdown ang pamahalaang lokal ng Mati City sa Davao Oriental kapag muling sisipa ang pagdami ng kaso sa kanilang lungsod.
Sa post ng official Facebook page ng City of Mati LGU, sinabi dito na kapag sisipa ang kaso sa lungsod ang makikita na may hawaan sa isang komunidad o barangay ay agad silang magpapatupad ng granular lockdown upang hindi na ito kumalat pa sa ibang lugar.
Sa ngayon mayroong 11 na aktibong kaso ang lungsod kung saan anim dito ang nadagdag na panibagong kaso nitong Enero 9.
Nilinaw din sa nasabing post na walang lockdown sa buong siyudad nito at maging sa buong bansa matapos pinasinungalingan ng Palasyo ang mga kumakalat na audio recording na may mangyayaring lockdown.
Screenshot from City of Mati LGU Facebook page
Facebook Conversations