DENR 11, nakatanggap ng kagamitan mula sa Davao Light, Aboitiz Foundation para sa pagbabantay ng Mt. Apo at Mt. Hamiguitan
DENR 11, nakatanggap ng kagamitan mula sa Davao Light, Aboitiz Foundation para sa pagbabantay ng Mt. Apo at Mt. Hamiguitan
DAVAO CITY – Nakatanggap ng mga communication equipment ang Department of Environment and Natural Resources 11 (DENR 11) mula sa Davao Light and Power Company Inc., at Aboitiz Foundation Inc., na gagamitin ng mga forest rangers na magbabantay sa mga protected areas sa Davao Region na Mt. Apo at Mt. Hamiguitan.

Mismong si DENR 11 Regional Executive Director Bagani Fidel Evasco ang tumanggap ng nasabing mga kagamitan sa isang turn-over ceremony na inabot ni Davao Light Assistant Vice President for Engineering Engr. Enriczar Tia at Apo Agua Infrastructura Operations Head Shake Aboitiz Tuason.

Nagkakahalaga ng P494, 910 ang nasabing mga kagamitan kabilang dito ang Trauma Go Bag kit, hard hat, radio chess harness uniporme at iba pa.

Sa kanyang talumpati nagpasalamat si Evasco sa nasabing kumpanya dahil malaking tulong ito sa pagbabantay ng kanilang mga forest rangers sa dalawang protected area sa Davao del Sur at Davao Oriental. 

Ikinalugod naman ni Tia ang pagbibigay ng nasabing kagamitan sa nasabing ahensya dahil nakatulong sila sa para pangalagaan ang mga heritage at protected areas sa rehiyon. 

What's your reaction?

Facebook Conversations