596
views
views
DAVAO CITY – Nalampasan ng Bureau of Customs-Port of Davao ang kanilang target collection para sa taong 2021 sa kabila ng patuloy pagharap ng buong mundo sa COVID-19.
Sa isang virtual press conference, sinabi ni BOC-Davao District Collector Atty. Erastus Sandino Austria naka kolekta ang lahat ng pantalan nito ng kabuohang P 37.99 billion pesos ss duties at taxes nito kung saan higit ito sa target na P37.24 billion.
Dahil dito, mayroon silang P735.35 million na surplus sa kanilang kita o dalawang porsyento mula sa assigned target nito.
Ayon kay Austria na nakuha nila ang nasabing tagumpay dahil sa pagpapatupad ng maayos ng batas at mahigpit na pagbabantay sa mga pantalan laban sa mga nais magpuslit ng mga kontrabando at magsasagaw ng misdeclaration sa kanilang shipment.
Noong taong 2020, nalampasan din ng BOC-Davao ang target nito P24.66 billion sa kabila ng mga serye ng lockdown sa panahong ito.
Facebook Conversations