views
Sa isang press conference, inihayag ni Torres na isang malaking kasinungalingan ang nilabas na pahayag ng CPP para pagudadahan ng kasundaluhan ang mga sumukong NPA.
Ayon sa opisyal na nagkakamali ang nasabing grupo dahil sa ganda ng programa ng gobyerno para sa mga dating rebelde at mga nakatira sa kanayunan ay imposible na itong makuha ulit ang loob ng minsan na nilang hinawakan na komunidad.
Inihayag ni Torres na ginagawa lang nila ito ngayon dahil alam nilang wala na silang suporta na makukuha sa mga komunidad at bagkus ay pinapalayas na ang mga ito dahil sa gulo na kanilang ginagawa.
Sinang-ayunan naman ng dating Kadre na si Ka Amihan ang pahayag ng heneral kung saan, binanggit nito ang mga proyekto ng National Task Force on Ending Local Communism and Armed Conflict na isa sa mga nagpabago ng isip ng mga tao na magbalik-loob sa gobyerno.
Ayon ka Ka Amihan na dahil sa mga proyekto ng NTF-ELCAC, nakikita ng mga tao ang sinseridad ng pamahalaan na mapaangat ang buhay ng kanilang mamamayan.
Bagay umano na sinisira ng grupo para mas lalong magagalit ang mga tao sa gobyerno at mag-alsa sa pamamagitan ng armadong pakikibaka.
Facebook Conversations