PNP, may POl na sa pagkawala ng CEO ng isang Pharmaceutical company
PNP, may POl na sa pagkawala ng CEO ng isang Pharmaceutical company
Kinumpirma ng tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) Colonel Jean Fajardo na may tinutukan nang lead ang PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG) sa pagkawala ng Chief Executive Officer (CEO) ng isang Pharmaceutical Company.

Sinabi ni Fajardo may tinutukan nang lead ang PNP AKG sa kaso kaya't maingat ang ginagawa nilang pagsisiyasat dito.

Kasunod nito, inaalis na ng PNP ang anggulo ng kidnapping dahil wala naman aniyang nanghihingi ng ransom sa pamilya nito buhat nang mawala noong July 19.

Pero kinabukasan, Hulyo a-20 ay nakitang sunog na ang sinakyang SUV ng biktima sa bayan ng San Luis sa Pampanga

Dagdag ni Fajardo na may persons of interest na silang tinitingnan  kabilang na ang driver ng biktima na siyang huling kasama nito sa Taguig bago nawala.

What's your reaction?

Facebook Conversations