
views
Ito ang naging panawagan ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo matapos ang nangyaring dalawang magkahiwalay na ambush at pagpatay sa isang barangay chairman at kanyang asawa sa Cebu, at barangay Captain sa Maguindanao nitong Marso 14.
Ani Fajardo, may natukoy na na persons of interest sa insidente sa Cebu kung saan personal na alitan ang posibleng motibo habang patuloy na iniimbestigahan ang pananambang sa Maguindanao.
Giit ni Fajardo, hindi ikinonsider ng PNP bilang election-related incidents ang naaabing insidente dahil hindi pa naman opisyal na kandidato ang mga biktima.
Samantala, inihayag ni Fajardo na nagpalabas na ng direktiba si PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at mga local commanders ng kapulisan na paigtingin ang kampanya laban sa mga private Armed groups (PAGs) na maaring magsilbing “Gun for hire” sa darating na eleksyon.

Facebook Conversations