Mga sinibak na pulis ng Negros Oriental, sasailalim sa 30 araw re-training
Mga sinibak na pulis ng Negros Oriental, sasailalim sa 30 araw re-training
Muling sasailalim sa 30 araw na Character and Aptitude Development Training (CADET) program ang lahat ng sinibak na miyembro ng Bayawan City Police Station sa Negros Oriental.

Ito ay para turuan ang mga ito ng values formation, internal discipline, PNP ethical standards at iba pa. 

Ayon kay Lieutenant Colonel Gerard Ace Pelare, spokesman ng Special Investigation Task Group Degamo matapos i-relieve ni PNP Officer in Charge, Deputy Chief for Administration Police Lt. General Rhodel Sermonia ang lahat ng 75 tauhan ng Bayawan PNP, kasama ang kanilang hepe. 

Mismong si Sermonia ang nangasiwa sa turnover kung saan iniluklok si Lieutenant Colonel Stephen Amamaguid bilang bagong Chief of Police ng Bayawan. 

Pinalitan ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion ang 74 na nasibak na mga personahe ng Bayawan PNP. 

Ang nasabing hakbang ginawa sa gitna ng nagpapatuloy na pursuit Operations para sa mga nalalabing suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at 8 iba pa. 

Sinabi ni Sermonia na pinalakas ng PNP ang kanilang presensya sa tulong ng militar sa buong Negros Island upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa probinsya.

Dagdag ng opisyal, walang tigil ang pagtugis sa mga iba pang suspek sa karumaldumal na krimen.

Larawan mula sa PNP PIO

What's your reaction?

Facebook Conversations