Iwas paputok campaign, inilunsad ng DOH; mga health facilities nasa red alert status
Iwas paputok campaign, inilunsad ng DOH; mga health facilities nasa red alert status
Inilagay na ng Department of Health (DOH) sa Red Alert Status ang lahat ng mga Health Facilities sa buong bansa na sakop ng pamahalaan, ilang araw bago ang pagtatapos ng 2022.

Ito ay kasabay ng paglulunsad ng Iwas Paputok Campaign ng DOH para hikayatin ang publiko na huwag gumamit ng anumang paputok sa pagsalubong sa 2023.

Ayon kay DOH Officer in Charge at Undersecretary Maria Rosario Vergere, dapat umanong salubungin ng publiko ang pagpasok ng bagong taon ng payapa at kumpleto ang bahagi ng katawan. 

Sinabi ng opisyal, dahil naka-red alert status ang mga health facilities, hindi papayagan ang lahat ng mga government health care workers na mag-leave upang agad tugunan ang mga mangangailangan ng emergency health care. 

Siniguro ng opisyal na kumpleto ang mga kagamitan at gamot lalo na ang mga anti-tetano na gagamitin ng mga health care workers. 

Batay sa tala ng DOH, taong 2020 nasa 122 ang biktima ng paputok habang noong 2021 ay umabot sa 128 ang mga fireworks injury. 

Inilahatla na rin ng DOH sa kanilang website at Facebook Page ang mga government facilities na maaaring pagdalhan sa mga mabibiktima ng paputok. 

Umapela si Vergere sa publiko na huwag ng gumamit ng paputok bagkus ay gumamit na lamang ng iba't-ibang pampaingay tulad ng karaoke, sirang Lata, kaldero, torotot, at iba pa.

What's your reaction?

Facebook Conversations