Galaw ng mga dating sundalo na may “special skills”, imomonitor ng Philippine Army
Galaw ng mga dating sundalo na may “special skills”, imomonitor ng Philippine Army
Kasalukuyang pinag-aaralan ng Philippine Army ang pagtatag ng isang dedicated counter-intelligence unit na siyang mag mo-monitor sa mga dating sundalo na may “Special skills”.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Colonel Xerses Trinidad na ang itatatag na counter-Intelligence unit ay makikipagtulungan sa kanilang counterpart na Philippine National Police (PNP) para masiguro na ang mga dating sundalo ay hindi nasasangkot sa ilegal na gawain. 

Anya, may listahan ang Philippine Army ng lahat ng kanilang tauhan na may “Special skills”, at mahalagang masubaybayan ang mga kilos ng mga ito, lalo na ang mga “dishonorably discharged”. 

Dagdag ni Trinidad na sa kasalukuyan ay may Philippine Army Transition Assistance Program na nagbibigay ng counseling at education, training, livelihood, at legal services sa mga nagreretiro nilang sundalo at tauhan. 

Pinag-aaralan din aniya ng hukbong sandatahan na isama narin sa programa ang mga dishoborably discharged na sundalo para matulungan sila sa pag-adjust sa buhay-sibilyan. 

Ang hakbang ng Army, ay kasunod sa pagkakadawit ng apat na dating mga sundalo sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa na pinaghihinalaang bahagi ng gun-for-hire group.

Larawan mula sa Philippine Army FB Page

What's your reaction?

Facebook Conversations