908
views
views
DAVAO CITY –Nagpaalala ngayon ang Davao City Police Office (DCPO) sa lahat ng mga tao na magsisimba ngayong darating na Simbang Gabi na iwasan ang pagdadala ng backpack, tumbler na hindi transparent at pagsusuot ng jacket sa loob ng mga simbahan.
Sa panayam kay DCPO City Director Col. Kirby John Kraft, sinabi nito na kanilang ipinagbabawal ang mga nasabing mga bagay sa nasabing okasyon na magsisimula ngayong Disyembre 16, dahil sa patuloy na banta ng terorismo.
Ayon sa opisyal na mahigpit na seguridad dinnang ang ipapatupad nito sa mga simbahan dahil bukod sa pagpapanatili ng kaayusan, ipapatupad din nito ang physical distancing.
Dagdag ni Kraft na sa ilalim ng Alert Level 2, nasa 70 porsyento na mula sa kanilang total capacity ang papayagan hindi lang sa loob ng simbahan pati na sa loob ng compound nito.
Maglalagay din umano ng upuan ang mga sa labas ng mga simbahan upang masiguro na masusunod ang physical distancing.
Facebook Conversations