Comelec 11 inabisuhan ang mga kandidato, taga-suporta na kumuha muna ng permit bago magsagawa ng in-person campaign
Comelec 11 inabisuhan ang mga kandidato, taga-suporta na kumuha muna ng permit bago magsagawa ng in-person campaign
DAVAO CITY — Inabisuhan ngayon ng Commission on Election 11 (Comelec 11) ang lahat ng mga kandidato at grupo na sumusuporta sa mga tatakbong politiko sa 2022 National and Local Election na magsasagawa ng in-person activities na kumuha ng permit mula sa Comelec Campaign Committee.

Sa isinagawang AFP-PNP Press Corps Southern Mindanao virtual media briefing, sinabi ni Comelec 11 assistant regional director Atty. Gay Enumerables na ito ang isa sa mga patakaran ngayon ng kanilang tanggapan dahil nasa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic ang buong bansa.

Inilahad ni Enumerables na kapag mga national candidates ang magsasagawa ng aktibidad gaya ng rally, caucus, pulong pulong at iba ay kailangan nitong kumuha ng permit mula sa Regional Comelec Campaign Committee (RCCC). Kapag nasa local positions naman ay kukuha ito ng permiso sa Provincial, City o Municipal Comelec Committee.

Ayon sa opisyal na bago sila magbibigay ng permiso, kailangan muna nilang kumuha ng permit mula sa local government unit (LGU) na kanilang pagdarausan ng aktibidad.

Dagdag ni Enumerables na kailangan din nakalagay ang target na numero na dadalo dahil titingnan nila ito kung pinapayagan ba   ito base sa Alert Level ng isang LGU. 

Magsisimula ang campaign period sa Pebrero 8 para national positions at Marso 25 naman sa local positions.

What's your reaction?

Facebook Conversations