VP Sara Duterte, inakusahan ang gobyerno ng patuloy na political harassment at surveillance
VP Sara Duterte, inakusahan ang gobyerno ng patuloy na political harassment at surveillance
Inakusahan ni Vice President Sara Duterte ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng umano’y matagal nang surveillance at harassment operations laban sa kanya at sa kanyang pamilya.

Sa inilabas na pahayag Sabado ng gabi, Setyembre 5, binigyang-diin ni Duterte ang naging pahayag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na, “We knew where she was the night before, but we did not force the arrest warrant.”

Ayon kay Duterte, tila pinatutunayan umano ng naturang pahayag ang mga dokumentong hawak nila na may kaugnayan sa umano’y surveillance operations ng Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng gobyerno laban sa kanya. SoutheastAsians & Pacific Islanders

Kinuwestiyon din ng Bise Presidente kung bakit umano pinuntahan ng mga awtoridad ang kanyang ina at mga anak gayong alam naman umano nila kung nasaan siya. Aniya, malinaw para sa kanya na layunin nitong takutin at sindakin ang kanyang pamilya.

Iginiit din ni Duterte na hindi siya makapagsuko sa kustodiya ng pulisya dahil hindi umano niya tiwala sa kakayahan ng mga awtoridad na tiyakin ang kanyang kaligtasan habang nakakulong.

Binanggit din niya ang pagkakadakip at paglilipat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, gayundin ang iba pang sinasabi niyang insidente ng harassment ng pulisya sa mga sibilyan, bilang dahilan ng kanyang kawalan ng tiwala sa mga awtoridad.

Sa huli, mariing sinabi ni Duterte na wala siyang tiwala kay Remulla at sa mga pulis na aniya’y sumusunod sa isang “korap na pamahalaan” na pinamumunuan ni Marcos.

Ang pahayag ni Duterte ay kasunod ng pagpapatupad ng arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng kasong grave threats.

What's your reaction?

Facebook Conversations