VP SARA DUTERTE: ‘HINDI AKO LIGTAS’
VP SARA DUTERTE: ‘HINDI AKO LIGTAS’
Nagpahayag ng pangamba si Vice President Sara Duterte sa kanyang kaligtasan at sa seguridad ng kanyang mga anak kasunod ng pagkakaloob ng arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng kasong grave threats.

Sa pahayag ng Office of the Vice President nitong Sabado ng umaga, Setyembre 5, sinabi ni Duterte na mula pa noong 2023 ay nakapagtala na siya ng mga banta at harassment.

“I have documented threats and harassment since 2023. I fear for my children. I do not feel they are safe if I am with them,” ani Duterte.

Ayon sa bise presidente, umalis na siya sa lugar kung nasaan ang kanyang mga anak upang magtungo sa korte, ngunit aniya, nagtungo pa rin doon ang mga pulis.

“I do not feel safe. Pakiramdam ko papatayin nila ako,” dagdag ni Duterte.

Ang pahayag ay inilabas isang araw matapos maglabas ang Quezon City Regional Trial Court Branch 98 ng warrant of arrest laban kay Duterte sa tatlong bilang ng grave threats.

 Nagtakda ang korte ng piyansang ₱120,000 para sa bawat bilang. 

Vice President Sara Duterte

What's your reaction?

Facebook Conversations