views
Layunin ng nasabing pagpupulong ay upang sagutin ang mga alegasyon ng isang miyembro na si Crispin Catubigan at walo pang kasamahan nito, na ayon sa kooperatiba matagal nang naging "bad standing" sa kanilang asosasyon dahil sa mga ginagawang aksyon ng mga ito na taliwas sa 'constitution and by laws' ng kanilang kooperatiba.
Batay sa kanilang posts at reklamo sa social media, pino-portray ng mga ito na sila ay inaapi, pinapahirapan, at pinagkaitan sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng pamamahala ni Libertad Barangay Captain Helen Perez, na nagsilbing 'Attorney-in-Fact o legal representative ng kooperatiba.
Si Perez, ay binigyan ng karapatan ng kooperatiba sa pamamagitan ng isang resolusyon na magiging kanilang 'Attorney-in-Fact' na siyang namamahala sa paghati-hati, at pagproseso ng titulo ng lupaing sakop ng Comprehensive Agrarian Reform.
Pinabulaanan ni Negro ang mga paratang ng pamilya ni Catubigan,
“Walay kamatuoran ang ilang mga reklamo. Puro ra kini pasundayag ug drama aron makuha ang atensyon sa katawhan ug sa mga opisyal. Gusto lang nila nga himuong dautan ang kooperatiba ug ang atong mga lider, pero walay basehanan ang tanan nilang sumbong."
Naging ugat sa bangayan ay ang malawak na propriedad ng kooperatiba na sumasakop sa 740 ektarya, na pagmamay-ari ng mga lehitimong Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).
Ayon kay Negro, ang pamilyang Catubigan at grupo nito ay hindi umano kontento sa patas na 'sharing' ng lupain.
Inangkin umano ng Catubigan ang 15 hectares ng prime land para lamang sa isang benepisyaryo na sobra-sobra na at hindi na naayon sa polisiya ng CAR at sa kooperatiba.
“Kanunay namo silang gipatratar og tarong ug patas. Apan ang ilang gusto, ilahi. Gusto nila dakong bahin sa yuta nga dili uyon sa lagda sa kooperatiba ug sa balaod,” ayon kay Negro.
Maliban dito, may mga dokumento din ang kooperatiba na nagpapakita na nagbebenta ng parcel ng lupain ng kooperatiba ang pamilyang Catubigan na walang pahintulot, walang resolusyon, at approval mula sa general assembly.
Noong nakaraang linggo, giniba ng grupo ni Catubigan ang 'perimeter fences' ng property ng kooperatiba na nagbunsod sa kooperatiba na magsasampa ng kaso laban kay Crispin Catubigan at walo pang indibidwal.
Samantala, nanawagan din si Negro kay Davao del Norte Board Member Orly Amith at Representative Leila de Lima na nakisawsaw sa isyu na iwasan ang pagiging 'one sided' na ayon kay Negro walang basehan na mga akusasyon laban sa kooperatiba.
Ang SLS CARBMCO ay may mahigit 500 miyembro na mga ARBs.
Facebook Conversations