Seguridad para sa mga aktibidad ng Semana Santa sa Davao City nakahanda na: DCPO
Seguridad para sa mga aktibidad ng Semana Santa sa Davao City  nakahanda na: DCPO
DAVAO CITY – Nakahanda na ang ilalatag na seguridad sa mga simbahan dito sa lungsod para sa mga aktibidad ng paparating ng Semana Santa.

Sa isinagawang AFP-PNP Press Corps Southern Mindanao Media Beifing sa The Royal Mandaya Hotel, sinabi ni Davao City Police Office (DCPO) Spokesperson Maj. Maria Teresita Gaspan na magdedeploy sila ng mga personahe sa mga indoor at outdoor activities ng mga simbahan sa susunod na linggo.

Ayon kay Gaspan, para sa indoor activities, magpapatupad sila ng one-entrance, one-exit policy upang makontrol ang pagpasok at labas ng mga parokyano ng simbahan.

Kasama rin dito ang pagababawal ng pagsusuot ng jacket at pagdadala ng backpack sa mga aktibidad bilang anti-terror measure ng pamahalaang lungsod.

Iinspeksyonin din ang lahat ng papasok ng simbahan at pinaalalalahanan din ang lahat sumunod pa rin sa minimum public health standards dahil nasa ilalim pa rin ng pandemya ang buong mundo.

Panawagan naman ni Gaspan sa publiko na ibigay ang kooperasyon nito sa awtoridad para na rin sa kaligtasan at kaayusan ng pagdiriwang ng Semana Santa.

What's your reaction?

Facebook Conversations