Santo Tomas LGU sinuspinde na ang trabaho at klase dahil sa patuloy na buhos ng ulang bunsod ng Bagyong Odette
Santo Tomas LGU sinuspinde na ang    trabaho at klase dahil sa patuloy na buhos ng ulang bunsod ng Bagyong Odette
DAVAO CITY – Nagdeklara na ng suspensyon ng klase at trabaho ang bayan ng Santo Tomas sa Davao del Norte epektibo Huwebes ng tanghali (Disyembre 16) bunsod ng patuloy na pag-ulan dala ni Bagyong Odette.

Sa isang pahayag, sinabi Santo Tomas Municipal Information Officer Mart Sambalud na ang deklarasyon na inilabas ni Mayor Ernesto Evangelista ay alinsunod sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council para maibsan ang epekto ng sama ng panahon. 

Pero, magpapatuloy pa rin umano ang trabaho sa mga opisina na namamahala sa basice health services,  disaster prepared and response at iba pang mahahalagang serbisyo sa panahong ng kalamidad. 

Hindi na rin obligado pumasok ang mga guro sa pampublikong mga paaralan sa nasabing bayan pero may discretion ang mga principal at school heads papuntahin ang mga guro kung kinakailangan, gaya ng pagsalba ng mga kagamitan at dokumento lalo na sa mga flood-prone areas. 

Ibinibigay naman ng lokal na pamahalaan ang discretion sa mga pribadong kompanya at paaralan kung magsasagawa ito ng suspensyon sa kanilang trabaho at klase. 

What's your reaction?

Facebook Conversations