Retirement pay na natanggap ng ex-police na nanutok ng baril, dapat isauli: PNP
Retirement pay na natanggap ng ex-police na nanutok ng baril, dapat isauli: PNP
Pinababalik ng Philippine National Police (PNP) ang natanggap na retirement pay ni Wilfredo Gonzales, ang dating pulis na nanutok ng baril sa siklista sa Quezon City kamakailan.

Ayon kay  Police Brigadier General Nino David Rabaya, Director ng PNP Retirement and Benefits Administration Service, na mahigit sa P500,000 ang dapat isoli ni Gonzales. 

Sinabi ni Rabaya, posibleng mahaharap sa Civil case si Gonzales, kung mabigo itong isoli ang retirement benefit na kanyang nakuha. 

Dagdag ni Rabaya, ang nasabing halaga ay katumbas ng retirement pay na tinanggap ni Gonzales mula 2016 hanggang 2018. 

Batay sa ulat, itinigil ng PNP noong 2018 ang pagbibigay ng mga benepisyo kay Gonzales nang tuluyan itong ma-dismiss sa serbisyo. 

Tumanggap ito ng retirement pay simula 2016 nang magretiro ito sa serbisyo pagsapit ng mandatory retirement age na 56.

What's your reaction?

Facebook Conversations