PRELIMINARY INVESTIGATION SA 5 SUSPEK SA PAGPATAY NG PULIS SA MAGUINDANAO DEL NORTE, POSIBLENG ILIPAT
PRELIMINARY INVESTIGATION SA 5 SUSPEK SA PAGPATAY NG PULIS SA MAGUINDANAO DEL NORTE, POSIBLENG ILIPAT
Kinunsidera ng Philippine National Police ang paglipat sa Metro Manila ng preliminary investigation sa 5 suspek kabilang ang dalawang pulis na sangkot sa pagpatay kay Captain Rolando Moralde sa Parang, Maguindanao del Norte kamakailan.

Ito ay matapos ipag-utos ng Provincial Prosecutor ng Maguindanao de Norte noong Mayo 7 ang pagpapalaya kay Police Master Sergeants Aladdin Ramalan at Shariff Balading.

Ito’y dahil umano sa ginawang “warrantless arrest” sa dalawang pulis at kakulangan ng isinumiteng ebidensya. 

Nilinaw ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo na hindi inaresto kundi kusang sumuko ang dalawang pulis. 

“Properly documented” umano ang naturang pagsuko kung saan tumestigo pa ang kapatid na babae ng isa sa mga suspek; at isinumite ng PRO-BAR ang CCTV footage kung saan kitang-kita ang pamamaril ng dalawa sa biktima. 

Bilang pagtalima sa utos ng prosecutor, pinalaya ang dalawang pulis noong Mayo 8.

Subalit naglabas ng direktiba ang PRO-BAR noong Mayo 10 na naglagay sa dalawang pulis sa restrictive custody sa PRO-BAR headquarters. 

Patuloy nang  hinahanap ng pulisya ang 3 pang at large na suspek sa kaso.

PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo

What's your reaction?

Facebook Conversations