PNP nakapagtala ng 47 election related incidents sa BSKE
PNP nakapagtala ng 47 election related incidents sa BSKE
Nakapagtala na ang kapulisan ng 47 validated Election-related incidents (ERI)sa nakaraang na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE).

Batay sa datos as of 12 a.m ngayong Nobyembre 2 na inilabas ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, pinakamaraming ERI ang naitala sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR) na nasa 16; kasunod ang Region 10 na may 13, 4 sa Cordillera, 3 sa Regions 1 at 8, tig dalawang kaso sa Regions 5 at 7 at tig isang kaso sa NCR, Region 4A at 9.

Sa nasabing mga insidente, pinakamaraming naitala ang shooting incident na nasa 19; 7 ang kaso ng physical injury; 4 na mauling incident; 3 kidnapping; tig 2 kaso ng light threats, fire incidents, at harassment; at tig isang kaso ng grave threats, armed confrontation, robbery with intimidation and violation of domicile, indiscriminate firing at armed encounter.

Napag-alaman din na may 114 ang suspected ERI na kasalukuyang bina-validate at 103 sa mga iniulat na insidente ang non-ERI o walang kaugnayan sa eleksyon.

What's your reaction?

Facebook Conversations