Pilipinas, naka-alerto sa posibleng spillover ng away ng Israel at Hamas
Pilipinas, naka-alerto sa posibleng spillover ng away ng Israel at Hamas
Alerto ang mga awtoridad sa bansa sa posibleng spillover ng nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Ayon kay Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro na hindi malayo ang posibilidad  na magsagawa ang mga terrorist group ng kahalintulad na pag-atake hindi lang sa gitnang silangan, kundi maging sa iba pang panig ng mundo. 

Sa katunayan aniya, maging ang mga bansa sa Europa ay nagtaas na din ng alerto sa posibleng pagsasamantala ng mga terorista sa kasalukuyang sitwasyong panseguridad. 

Inihayag ng kalihim na nangyari na ito dati na nagkaroon ng pag-atake ang ISIS sa Pransya at United Kingdom noong huling nagkaroon ng kaguluhan sa gitnang silangan. 

Bagaman hindi tinukoy ni Teodoro kung anong partikular na teroristang grupo, sinabi nito na malaking bahagi ng pangangalaga ng seguridad ang suporta ng publiko sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon sa mga awtoridad lalo na kung may mga kahinahinalang grupo o indibidwal.

What's your reaction?

Facebook Conversations