views
Batay sa ulat ng BOC, nangggaling umano ang shipment sa Germany at naka-consign sa isang indibidwal na nagngangalang "Heart Valerine Garcia Cruz" na naninirahan sa Taytay, Rizal.
Ayon sa BOC, ideneklara ang shipment na damit pangkasal ngunit batay sa masusing pagsusuri ng mga awtoridad sa kargamento, nadiskubreng 1,993 tablets ng party drugs pala ang laman.
Sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad sa tulong na rin ng Port of NAIA Enforcement and Security Service Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, kanilang nahuli ang claimant sa Taytay, Rizal.
Nasa puder na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang droga matapos itong mai-turnover para sa gagawing imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot.
Batay sa datos ng BOC, umabot na sa P107 million na halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng BOC-NAIA at sa pakikipagtulungan ng iba pang law enforcement agencies.
Facebook Conversations