Miyembro ng terorista, patay sa sagupaan sa Maguindanao del Sur
Miyembro ng terorista, patay sa sagupaan sa Maguindanao del Sur
Patay ang isang miyembro ng Dawlah Islamiya-Hassan Group sa enkwentro sa Maguindanao del Sur.

Batay sa ulat ni Brigadier General Oriel Pangcog, Brigade Commander ng 601st Brigade, unang naka-engkwentro ng 40th Infantry Battalion ng Philippine Army at iba pang operating units ng Joint Task Force Central ang grupo na pinamumunuan ni Nasser Guinaed sa Sitio Mayan, Barangay Labu labu II, Datu Hoffer.

Sinundan ito ng sagupaan sa Barangay Poblacion, Ampatuan nang makaharap ng tropa ng pamahalaan ang 5 miyembro ng teroristang grupo.  

Nakilala ng mga otoridad ang nasawi sa engkwentro na si Mermo Mling. 

Nakuha mula kay Mling ang isang M14, isang M79, SMG Cal .45, 2 Improvised Explosive Device (IED) at iba pang gamit nito.

Larawan mula sa 6th ID

What's your reaction?

Facebook Conversations