
836
views
views
Natagpuan ng mga tropa ng 18th Infantry Battalion ang isang bag na naglalaman ng mga panggawa ng improvised explosive device (IED) sa loob ng isang lumang paaralan sa Sitio Pandakan, Barangay Parangbasak, Lamitan City, Basilan.
Sinabi ni Brigadier General Domingo Gobway, Commander ng Joint Task Force Basilan, nagsasagawa ang mga tropa ng strike operation laban sa bandidong Saddam Siddick Group madaling araw ng Huwebes nang matagpuan ang mga gamit pampasabog.
Ayon sa kanya, agad rumesponde ang mga tauhan ng 39th Explosive Ordnance Disposal at narekober ang mga IED components.
Nanawagan naman sa publiko si Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lieutenant General Alfredo Rosario, Jr. na i-report agad sa mga awtoridad ang mga kahinahinalang aktibidad o indibidwal sa kanilang lugar para mapigilan ang paghahasik ng kaguluhan ng mga lawless elements.



Facebook Conversations