Mahigit 10,000 former rebels, inaasahang mag-APPLY ng amnesty
Mahigit 10,000 former rebels, inaasahang mag-APPLY ng amnesty
Inaasahan ng National Amnesty Commission na mahigit 10,000 dating rebelde ang magsusumite ng aplikasyon upang makinabang sa Amnesty Proclamation ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Batay sa Peace Table ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU), nasa 5,000 hanggang 8,000 rebelde sa ilalim ng CPP-NPA ang nagbalik loob na sa pamahalaan.

Sa panig ng MNLF, nasa 5,000 ang posibleng mag-apply para sa amnestiya; habang nasa 40,000 sa MILF ang una nang na-decommission.

Ayon kay Attorney Leah Armamento ng Peace Table, hindi naman lahat ng mga nagbalik-loob ay mayroong kaso, at kailangang mag-apply para sa amnestiya.

Gayunman, inaasahang aakyat pa ang mag-a-apply ng amnestiya dahil nagpapatuloy ang pagsuko ng mga dating kasapi ng mga rebeldeng grupong pinagkalooban ng Pangulo ng Amnestiya.

What's your reaction?

Facebook Conversations