Klase sa Monkayo suspendido na dahil sa malakas na buhos ng ulan dala ni Bagyong Odette
Klase sa Monkayo suspendido na dahil sa  malakas na buhos ng ulan dala ni Bagyong Odette
DAVAO CITY – Nagdeklara na ng suspensyon ng klase ngayong araw (Disyembre 14) ang bayan ng Monkayo sa Davao de Oro dahil sa malakas buhos ng ulan na dala ni Bagyong Odette na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa advisory na inilabas ni Monkayo Mayor Ramil Gentugaya kaninang umaga, nais lang nitong masiguro ang mga guro at mga non-teaching staff na pumpunta sa mga paaralan para mag-report. 


Ayon kay Gentugaya na ang pagsuspinde ng klase ay alinsunod sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction & Management Council dahil sa malakas na buhos ng ulan sa kanilang lugar na nagsimula Lunes ng gabi. 


Sinabi naman ng alkalde na hindi na kailangan mag-report ng mga guro at non-teaching staff hanggang bukas Disyembre 15 at ipinag-utos sa lahat ng mga School Supervisors na sundin ang nasabing suspension. 


Sa ngayon ina-activate na ang lahat ng Barangay Disaster Risk Reduction Management Councils sa bayan at pinaalalahanan ang lahat ng mga residente lalo na sa mga flood at landslide prone areas na tumalima sa mga anunsyo ng lokal na pamahalaan. 

Photo: Monkayo LGU FB

What's your reaction?

Facebook Conversations