Insurgency-Free Davao Region, pormal ng idineklara ng RPOC 11
Insurgency-Free Davao Region, pormal ng idineklara ng RPOC 11
DAVAO CITY – Pormal ng idineklara ng Regional Peace and Order Council 11 (RPOC 11) ang buong Davao Region bilang insurgency-free region matapos mabuwag ang lahat ng Guerilla Fronts at iba pang units ng New People’s Army Army (NPA).

Sa isinagawang meeting sa loob ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) nitong Miyerkules ng umaga (Oktubre 12), hinain ng incoming chairman nito na si Davao del Norte Governor Edwin Jubahib ang nasabing deklarasyon kung saan  sinang-ayunan naman ito ng lahat ng miyembro ng konseho.

Sa datos na ipinrisenta ng 10th Infantry Division, mula  2016 hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa 401 affected barangays ang naging cleared na mula sa implemensya ng NPA.

Sa nasabing tagumpay, nagtala din sila 9,985 na mga miyembro ng NPA na sumuko kasali na dito ang mga combatants at mga taga-suporta nitong masa sa komunidad.

Kasama rin dito ang 107 na napatay na mga NPA kasama nito ang mga lider nito habang 217 naman ang nahuli mula sa 437 na encounters ng lahat ng units ng kasundaluhan.

Ang Davao Region ang pangatlong rehiyon sa buong bansa na na-deklara na insurgency free kasunod ng Regions 1 at 9.

What's your reaction?

Facebook Conversations