171
views
views
Pumalo na sa 1,839,846 ng tertiary o mga mag-aaral sa kolehiyo mula sa 2,013 Higher Education Institutions sa buong bansa ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Itoy batay sa ulat ng Commission on Higher Education (CHED) hanggang Nobyembre 25.
Sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera 111,ang Region 9 ,Cordillera Administrative Region,at National Capital Region ang mga nangungunang rehiyon na may pinakamataas na naiulat na porsyento ng mga nabakunahang mag-aaral.
Ayon sa opisyal, ang kampanya ng pagbabakuna sa mas mataas na edukasyon ay nakakuha ng momentum sa buong bansa.
Ngunit, sinabi nito na nangangailangan pa rin ito ng mas kagyat at agresibong pagsisikap lalo na ngayong inilunsad ang National vaccination days para makamit ang herd immunity ng bansa.
Facebook Conversations