Davao Oriental LGU, humiling sa DENR na hindi makabalik operasyon ang minahang magdulot ng malawakang siltation sa mga ilog ng Banaybanay
Davao Oriental LGU, humiling sa DENR na hindi makabalik operasyon ang minahang magdulot ng malawakang siltation sa mga ilog ng Banaybanay
DAVAO CITY –Hinihiling ngayon ni Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tuluyan ng kanselahin ang permit ng mining company RCMI/ANRI dahil sa napaulat na dahilan ng malawakang siltation sa Mapagba at Pintatagan Rivers sa bayan ng Banaybanay.

Sa isang pahayag, sinabi ng Gobernador na nagpadala na siya ng sulat kay DENR Secretary Roy Cimatu, kung saan hiningi nito na huwag ng pabalikin sa kanilang operasyon ang nasabing minahan at gawing permanente na ang pagpapasara nito. 

Ayon kay Dayanghirang na isang malaking paglabag sa Environmental Law ang pagpapabaya sa kanilang operasyon kung saan umabot sa ilog ang nickel laterite nito dahil sa malakas na buhos ng ulan. 

Sinabi ng gobernador na malinaw na paglapastangan sa Environmental Protection na kampanya ng probinsya dahil sa lawak na pinsala na idinulot ng siltation sa mga nasabing ilog. 

Ipinadala ang nasabing hiling matapos magsagawa ng aerial inspection ang gobernador kasama si Mindanao Development Authority Secretary Maria Belen Acosta noong Enero 20.

Photos from Province of Davao Oriental 

What's your reaction?

Facebook Conversations