Davao Occidental sinimulan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang may edad 5 - 11 taon
Davao Occidental sinimulan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang may edad 5 - 11 taon
MALITA, DAVAO OCCIDENTAL – Sinimulan nitong Martes (Feb.15) ang pediatric COVID-19 vaccination para sa mga may edad 5 hanggang 11 taong gulang sa bayan ng Malita, Davao Occidental.

Sa panayam kay Davao Occidental Provincial Health Officer 2 Dr. Anne Margaux B. Quezada, naghanda sila ng 1,300 doses na Pfizer vaccine para sa mga bata na magpapabakuna ngayong araw. 

Ayon kay Quezada na tiwala sila maraming kabataan ang magpapabakuna sa nasabing bayan dahil na rin sa taas ng suporta mula sa komunidad. 

Sinabi ng opisyal na pagkatapos ng kick off ng pediatric COVID-19 vaccination para sa 5 hanggang 11 taong gulang sa probinsiya ay agad na magsisimula ang bakunahan sa ibang bayan na sakop ng probinsya. 

Sa datos mula sa Department of Health 11, target ng Davao Occidental na makabakuna ng 53, 469 na mga bata sa nasabing age group.

What's your reaction?

Facebook Conversations