views
Sa panayam kay Davao City COVID-19 Task Force Vaccination Cluster head Dr. Josephine Villafuerte na umaasa sila na makabakuna ng sobra 47,000 kada araw sa 26 na vaccination sites nito sa Davao.
Magsisimula naman bukas ang mobile vaccination na pangununahan ng Office of the Vice Mayor kung saan susuyurin nito ang mga taong di makakalabas ng bahay dahil sa karamdaman.
Ayon kay Villafuerte na umaasa siya na makamtan ng lungsod ang target na 1. 2 million adult population sa lungsod upang maabot herd immunity ngayong Disyembre.
Samantala, siniguro din ng opisyal na may sapat na supply ng vaccine ang lungsod para mabigyan ang lahat ng dadalo sa tatlong araw na bakunahan sa lahat ng vaccination hubs nito. (Armando Fenequito)
Davao City COVID-19 Task Force Vaccination Cluster head Dr. Josephine Villafuerte. (Armando Fenequito)
Facebook Conversations