500
views
views
Pinasinayaan noong Biyernes,Agosto 25 ang “courtesy lounge” ng Regional Civil Security Unit (RCSU) sa loob ng PRO 11 Headquarters sa Buhangin, Davao City.
Ayon kay RCSU 11 director Colonel Richard Verceles, “the courtesy lounge is envision to make the processing of our clients are more comfortable.”
Maliban sa courtesy lounge, inilunsad din ng RCSU ang Storage facility nito kunsaan dito iniimbak ang captured, confiscated, surrendered, deposited, and abandoned firearms.
Umabot sa P400,000 ang inilaan para sa pagtatayo ng courtesy lounge. Ang pera na ginamit sa proyekto ay mula sa nalikom na pondo sa nakaraang “shoot for a cause.”
Samantala ang storage facility ay donation naman ng The Fraternal Order of Eagles.
Naging panauhin sa inagurasyon ng dalawang gusali ay si Civil Security Group director Brigadier General Benjamin Silo Jr.
Facebook Conversations