
views
Noongย May 5, 2025, ay hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong (3) tao na umanoโy nagpakilala bilang mga empleyado ng COMELEC mula sa Main Office sa Intramuros, Manila na magsasagawa umano ng inspeksyon at pagsusuri ng Automated Counting Machine (ACM) sa Silangan Elementary School, Brgy. San Pablo Norte, Santa Cruz, Laguna.
Batay sa police report, ang tatlong suspek ay sakay ng Sports Utility Vehicle (SUV) na may nakadikit na COMELEC Task Force stickers at car decals papuntang Silangan Elementary School sa Santa Cruz, Laguna at nagpakita ng identification cards bilang pagkakakilanlan at Memorandum mula sa COMELEC โTask Force Kontra Bigayโ na parehong tangan ang lagda ni COMELEC Senior Commissioner Aimee P. Ferolino.
Ang akto ng inspeksyon at pagsusuri ng ACM ng tatlong suspek sa Silangan Elementary School, Santa Cruz, Laguna na gagamitin ngayong May 12, 2025 National and Local Elections ay hindi awtorisado ng COMELEC. Ang mga dokumentong ipinakita ng mga ito ay hindi mula sa COMELEC Committee on KontraBigay at hindi lehitimong nilagdaan ni Commissioner Ferolino.
Bukod sa insidenteng ito ay matatandaan na kamakailan lamang, isang hinihinalang Chinese spy ang nahuli ng National Bureau of Investigation malapit sa COMELEC Main Office sa Intramuros, Manila na may dala-dalang International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catcher o equipment na ginagamit upang makakalap ng mga pribado at sensitibong impormasyon ng mga tao mula sa kanilang mobile device na saklaw nito.
Matatandaan din na may inarestong tatlong indibidwal ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagpanggap bilang mga tauhan ng COMELEC Information Technology Department na nag-aalok ng pagmamanipula ng resulta ng halalan at โsure winโ para sa mga kandidato kapalit ang milyon-milyong halaga ng pera. Kasalukuyang kinakaharap ng mga indibidwal na ito ang patong-patong na kaso sa hukuman.
Sunud-sunod din ang pag-usbong nitong mga nakaraang araw ng mga misinformation at disinformation o mas kilalang fake news sa social media tungkol sa eleksyon tulad ng โNo National ID, No Voteโ at paglipat ng Araw ng Eleksyon sa mas pinaagang petsa.
Ang mga ganitong klase ng lantaran at sinasadyang paglikha at paglaganap ng misinformation at disinformation sa halalan ay isang malaking pagtatangka na lituhin, takutin, at tanggalan ng karapatan ang mga botanteng Pilipino.
Ang mga ganitong klase ng insidente ay pinagtutuunan ng pansin at sineseryoso ng COMELEC. Nawaโy maging babala ito sa mga nagbabalak hamakin ang mga botanteng Pilipino at gambalain ang pagsasagawa ng halalan ngayong May 12, 2025.
Sa ating mga kababayan, kung mayroon kayong nakita o napansing kahina-hinalang gawain sa proseso ng halalan, agad itong ipagbigay-alam sa COMELEC Election Officer sa inyong lugar o sa Philippine National Police.
Muli, ang Commission on Elections ay nagpapaala na ang pagpapalaganap ng fake news, pagtatangkang guluhin ang halalan, at pananakot sa mga botanteng Pilipino ay walang puwang sa May 12, 2025 National and Local Elections.



Facebook Conversations