views
Maliban kay Teodoro, present din sa seremonya sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga si AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr. at Philippine Air Force commanding general Lieutenant General Stephen Parreño.
Ang C-208B Aircraft ay nakuha sa pamamagitan ng Grant Programs ng gobyerno ng Amerika sa Philippine Air Force sa ilalim ng Foreign Military Sales (FMS) Program.
Ang eroplano ay pangunahing gagamitin sa security concerns ng bansa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Intelligence, Surveillance and Reconnaisance (ISR) operations.
Ito ay may upgraded integrated flight deck, audio panel, center console, audio control panels, cockpit displays, airborne sensor operators console, inertial navigation system, video encoder, sensor camera, at datalink.
Nakatakdang ide-deploy ang eroplano sa 300th Air Intelligence and Security Wing (AISW).
September 19, 2023
Video mula sa DPC
Facebook Conversations