60 MNLF combatants sa Basilan nakatanggap ng tulong-pinansyal
60 MNLF combatants sa Basilan nakatanggap  ng tulong-pinansyal
60 combatants ng Moro National Liberation Front (MNLF) na nakakumpleto ng socio-economic profiling ang tumanggap ng tig-45,000 transitional cash assistance mula sa Deparmernt of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang pamimigay ng tulong ay naganap ng Inilunsad ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang MNLF Transtransformation Program sa Lamitan, Basilan kamakailan.

Bukod sa 60 inisyal na benipisyaryo, 407 karagdagang MNLF combatants sa Basilan ang nakatakdang maging benipisyaryo din ng nasabing programa.

Ang MNLF Transformation program ay pagkumpleto sa 1996 Final Peace Agreement na naglalayong matulungan ang mga dating mandirigma na makabalik sa normal na pamumuhay sa pamamagitan iba’t socio-economic benefits. 

Nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat si Presidential Peace Adviser Secretary Carlito G. Galvez Jr. sa suporta ng mga implementing local at national partners ng OPAPRU sa matagumpay na paglulunsad ng programa sa Basilan. 

Nakatakda na ring simulan ng OPAPRU ang socio-Economic profiling ng mga MNLF members sa Lanao del Sur, Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, at North Cotabato para sa kanilang matatanggap na tulong.

Larawan mula sa OPAPRU

What's your reaction?

Facebook Conversations