13 na ang nasawi sa bagyong Egay
13  na ang nasawi sa bagyong Egay
Nasa 13 na ang mga napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Egay.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Biyernes, Hulyo 28, 6 sa nasabing bilang ang kumpirmado habang ang 7 ay patuloy na bina-validate.

Sa mga nasawi, 5 ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) at 1 sa Region 6.

Maliban sa namatay, 12 din ang napaulat na nasaktan at 20 na ang nawawala.

Hindi pa kasama sa datos ang mga nasawi at nasaktan sa insidente ng paglubog ng banka sa Binangonan, Rizal Huwebes dahil bina-balidate pa kung ang insidente ay may kinalaman sa bagyo. 

Samantala, nadagdagan pa ang bilang ng mga apektadong indibidwal dahil sa paghagit ng bagyo.

Sa kasalukuyan, nasa 140, 923 pamilya o katumbas ng 502, 728 indibidwal ang apektado mula sa 1, 612 na barangays sa Regions 1, 2, 3, 5, 6, 10, 12, CALABARZON, MIMAROPA, BARMM at CAR.

What's your reaction?

Facebook Conversations