1003rd Brigade sisiguruhin na hindi mabuo muli ang mga NPA sa bulubundukin ng Davao City, Davao del Norte, Bukidnon, at North Cotabato matapos mabuwag ang SRC 5
1003rd Brigade sisiguruhin na hindi mabuo muli ang mga NPA sa bulubundukin ng Davao City, Davao del Norte, Bukidnon, at North Cotabato matapos mabuwag ang SRC 5
DAVAO CITY -- Sisiguruhin ng 1003rd Infantry Brigade na hindi na makakabalik pa ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga bulubundukin ng Davao City, Davao del Norte, Bukidnon at North Cotabato.

Ito'y matapos mabuwag ng kanilang tropa ang Sub-Regional Committee 5 ng Southern  Mindanao Regional Committee ng NPA. 

Sa isang press conference, sinabi ni 1003rd Brigade Commander Col. Consolito Yecla na tututukan nila ang sustainability operations sa mga nasabing lugar gaya ng pagpapalakas ng People’s Organizations sa mga lugar upang hindi na bumalik sa pakiki-anib ang mga tao sa mga NPA. 

Ayon kay Yecla na palalakasin din nito ang Internal defense system nito upang hindi na ito basta mapasok pa ng sinuman na nais kunin ulit ang nasabing lugar. 

Sumuko sa kanilang tanggapan ang 14 na mga kasapi ng SRC 5 sa mga bayan ng Kitaotao sa Bukidnon at Talaingod sa Davao del Norte matapos ang walang humpay na operasyon ng kasundaluhan simula pa noong Enero 10, 13 hanggang 16.

Pinangunahan ni Ida Marie Montero alias Mandy, Secretary at finance officer ng SRC 5 ang pagbabalik loob nito sa pamahalaan. 

Nagdesisyon na sumuko ang nasabing grupo dahil wala na silang nakukuhang suporta mula sa mga komunidad dahilan na madali  silang matutunton ng kasundaluhan

What's your reaction?

Facebook Conversations