![10 sasakyan na nakuha sa car-loan scam, narekober](https://newsfortph.com/upload/media/posts/2023-10/29/10-sasakyan-na-nakuha-sa-car-loan-scam-narekober_1698547841-b.jpg)
views
Sa presentasyon ng mga narekober na sasakyan sa Camp Crame kamakailan ng HPG kasama ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), sinabi ni HPG Director Police Brigadier General Allan Nazarro, kanilang natunton ang mga kotse sa iba’t-ibang lugar sa Region 3 at Metro Manila.
Ang HPG at PAOCC, nakatanggap ng mahigot 60 reklamo ukl sa Car loan scam kung saan karamihan sa mga biktima ay mga guro sa Pampanga, Bataan, Bulacan, Zambales, at Metro Manila.
Sa ilalim ng car loan scam, aakitin ng sindikato ang mga guro na mag-loan ng kotse sa banko para ipang-negosyo, kung saan kukunin ng sindikato ang kotse kapalit ng pag-tutuloy ng hulog at pangakuan ang guro ng buwanang kita mula sa pagpapa-arkila ng sasakyan.
Subalit makaraan ng ilang buwan ng hulugan ng umano’y kinita ng sasakyan sa guro ay mawawala nalang ang sasakyan at ang mga guro ang hahabulin ng banko sa pagkakautang nito.
![](https://newsfortph.com/upload/media/entries/2023-10/29/4545-entry-1-1698547841.jpg)
Facebook Conversations