views
Sa panayam kay DCPO City Director Col. Kirby John Kraft, sinabi nito na nakapag-deploy na sila ng nga personahe sa lahat ng mga lugar na madalas dinadagsa ng mga tao tuwing kapaskuhan.
Ayon kay Kraft na naka-alerto sila ngayon lalo na't maraming tao na ang nakakalabas dahil sa pagluwag ng restrictions bunsod ng pagsasailalim ng lungsod sa Alert Level 2.
Palalakasin din into ang police visibility sa bawat Kanto nang sa ganon ay mapigilan Ang anumang banta ng krimen sa mga daanan.
Dagdag nito na bukod sa pagbabantay sa seguridad ng mga tao, ipapatupad din nila ang mga health protocols dahil nagpapatuloy pa rin ang banta ng Omicron variant ng COVID-19 sa buong bansa.
Sinabi din ng opisyal na katuwang nila sa pagbabantay sa lungsod ang Task Force Davao, Public Safety and Security Command Center, Philippine Coast Guard, Philippine Navy, Philippine Army, PNP Maritime Group at iba pang sangay sa ilalim ng security cluster ng lungsod.
Facebook Conversations